Mga mag-aaral ng Day Care Centers

Ang pagtuturong pagluluto

Patikim ng masustansiyang pagkain

Kasama si Vice Mayor Gus Tambunting

Pagpapalabas ng pelikulang Urduja

Rotaract Club KAPWA
 
 
 
Featured Project
 

Nutrition Month Celebration 2008
July 26, 2008, Barangay BF Homes, Parañaque City
By IPP Randy Pabona, RAC KAPWA and DRC Lilibeth De La Cruz

This article is published in Pilipino in celebration of "Linggo ng Wika" (National Language Week)

“Sa Wastong Nutrition ni Mommy, Siguradong Healthy si Baby!”
Pagdiriwang ng Buwan ng Pagkaing Pangkalusugan 2008 ng Barangay BF Homes
(Barangay BF Homes Nutrition Month Celebration 2008)

Isang Panukalang Paglilingkod ng Lupong Pangkabataan ng D3830
(A Service Project Initiative of the D3830 Youth Committee)

 

Ang palatuntunang ito ay at naglalayong:

  • Makiisa sa pagdiriwang ng pagpapahalaga ng kalusugan ng mga mamamayan ng Barangay BF Homes, lalong lalo sa mga Kabataan;
  • Maipaunawa ang kahalagahan ng wastong pagkaing pangkalusugan, lalo na sa mga inang kalahok upang ito’y maging kaugalian sa kani-kanilang tahanan;
  • Maipagdiwang ang Buwan ng Pagkaing Pangkalusugan sa pangunguna ng Rotaract Club KAPWA (KAbataan Para sa Wastong Aksyon) at nilahukan ng sumusunod:
  RAC Makati   RAC Palanyag- SIBAMP  
  RAC Las Pinas College   RAC YMNP  
  RAC Paragon   RAC Alabang  
  RAC PLMuntinlupa   RCC SIBAMP  
 

RAC Palanyag- Tramo Dos

     
 

DRC Lilibeth at ang mga mapagpunyaging Rotaractors ng D3830
 

Ang aming mga naging katuwang sa paglilingkod ay ang BF Sangguniang Kakataan Council, BF Homes Office at sina Congressman Roilo Golez, Konsehal Baby Bustamante at mga 30 Rataractors.  Dumalo rin sina DCC Vhell Arias, Pangulong Brenda Hernandez ng RCP Metro, mga kasapi sa Rotary Ilyne at Myla at ni Parañaque Vice Mayor, Gus Tambunting.  Ang mga naging kalahok ay kinabibilangan ng:

  • 40 mga bata na salat sa kalusugan
  • 42 mag-aaral mula sa mga Day Care Centers
  • 15 guro ng mga Day Care Centers
  • 5 mag-aaral mula sa Mababang Paaralan ng Sampaloc 2
  • Mga ina ng mga bata

Nagsimula ang palatuntunan sa pagbigay ng mga makahulugang kalatas ang mga kinatawan ng BF SK Council at sina Pangulong Joey Landicho ng RAC KAPWA at DRR Cathy Gonzales. Ikinatuwa ng lahat and pagpapakita ng likas na karungungan sa pagsayaw ng mga batang mag-aaral ng iba’t ibang Day Care Centers, na may kasuutang tugma sa pagdiriwang.

Ang mga ina ay natuto sa kahalagahan ng wastong kalusugan. Sa kagandahang-loob ng RAC SIBAMP, RAC PLMuntinlupa, RAC Palanyag-Tramo Dos at mga SK Kagawad, isang pagtuturong pagluto ang isinagawa na layong ipamulat sa mga ina ang paghahanda ng pagkaing mura ngunit masustansya.  Nagbigay rin ng dagdag na kaalaman si Pang Brenda Hernandez tungkol sa kabutihang dulot ng malunggay sa ating katawan.

Para sa kasiyahan ng mga bata, ipinalabas ang pelikulang Urduja at nagdaos ng mga laro’t gawaing pambata tulad ng pagkukulay at paligsahan sa paglikha ng mga poster at slogan. Ito ay pinamunuan ng RAC Makati, RAC Paragon, RAC Alabang at RAC YMNP.

Ang huling bahagi ng palatuntunan ay ang pagbibigay ng bitamina (Enervon C Plus) na kaloob ng D3830 Rotaractors at mga sipilyo at toothpaste na mula naman sa BF SK Council.

Sa pagkakaisa ng mga Rotaractors ng District 3830 ay naging matagumpay ang pagdiriwang ng Buwan ng Pagkaing Pangkalusugan sa BF Homes.
 
   
Rotaract Club PLMuntinlupa at Rotaract Club SIBAMP
 
 
 
     
>> Top    
Copyright © 2008 RI District 3830 Philippines - All Rights Reserved.
Home District Clubs Projects News Features Messages Go to Rotary International Website